𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗡𝗔𝗬 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗣𝗥𝗘𝗣𝗔𝗥𝗘𝗗𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗔𝗡𝗗 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗘

Isinagawa ang Isang training sa mga health workers ng Ilocos Region ukol sa public health preparedness and response sa pangunguna ng Department of Health (DOH) katuwang ang UNICEF-Relief International.

Naglalayon ang isinagawang training na maiangat pa ang kakayahan ng mga health workers sa risk communication skills upang epektibo nilang maipaliwanag ng maayos sa publiko ang mga impormasyon na may kinalaman sa sector ng kalusugan.

Ang mga health workers na dumalo ay mula sa dalawamput anim na mga COVID-19 Vaccine Delivery Support (CDS3) sites sa Region 1. Apat na araw na isinagawa ang naturang training sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments