𝗛𝗘𝗟𝗣𝗘𝗥, 𝗡𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗣𝗔𝗦𝗨𝗞𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗨𝗟𝗧𝗥𝗬 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗟𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡

Nabisto ang pagnanakaw ng isang helper sa pinapasukan nitong poultry supply sa Asingan, Pangasinan.

Ang suspek ay isang lalaki na 21 anyos. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakita ng isa sa mga empleyado ng poultry supply ang isang lalaking lumabas sa bintana.

Nang tingnan ang CCTV, nakita ang pagkuha ng helper ang baryang pera na nasa drawer na nagkakahalaga ng 5, 000.

Nahuli ang suspek sa isinagawang operasyon ng pulisya. Nasa 615 na lamang ang narekober na pera sa kaniyang ninakaw.

Nasa kustodiya na ng Asingan Police Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments