π—›π—˜π—£π—˜ π—‘π—š π—œπ—Ÿπ—”π—šπ—”π—‘ 𝗖𝗣𝗦, π—‘π—”π—žπ—”π—§π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—£ π—‘π—š π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ 𝗔π—ͺ𝗔π—₯𝗗

Cauayan City – Binigyang pagkilala ang hepe ng Ilagan City Police Station na si Police Lieutenant Colonel Lord Wilson Adorio matapos nitong makamit ang titulo bilang Outstanding Police Community Affairs and Development Junior PCO sa buong Pilipinas.

Naganap ang pagbibigay parangal noong ika-31 ng Hulyo, sa Bulwagang Lapulapu, Camp Crame, Quezon City, kasabay ng isinagawang culminating activity kaugnay sa selebrasyon ng ika-29 na Police Community Relations Month, kung saan personal na tinanggap ni PLTCOL Adorio ang kanyang award.

Dahil sa maayos at epektibong pamumuno ni PLTCOL Adorio, nakamit ng Ilagan City Police Station ang tagumpay na ito sa tulong na rin ng mga inilunsad nilang mga programa na pasok sa PNP PCR Program Thrusts ng Chief ng PNP na si Police General Rommel Francisco Marbil.


Ilan sa mga natatanging programang ito ay ang PROJECT GASAT, Project RONDA Ilagan, at Project YAKAP NI HEPE, na siyang nagsilbing patunay sa kanilang buong pusong pagbibigay serbisyo publiko na naging dahilan upang makamit nila ang tagumpay na ito.

Facebook Comments