𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗩𝗜𝗗𝗨𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟰𝟬𝟬𝗞 𝗡𝗔 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚

Sa kulungan ang bagsak ng isang tinaguriang High Value Individual matapos mahulihan ng iligal na droga sa Bolinao.

Inihain pasado 9: 30 ng umaga ang search warrant sa bahay ng suspek na si alyas “Brando”, 31 anyos, mekaniko at residente ng barangay Culang sa nabanggit na bayan.

Nakuha mula sa kaniya ang 61 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 414,800, drug paraphernalias at 20,000 pesos.

Nahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments