Nasa higit dalawandaang Dagupenos ang benepisyaryo at tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development.
Nakinabang ang 269 na mga benepisyaryo sa naturang programa kung saan nakatanggap ang mga ng labing limang libong piso.
Ang mga naturang benepisyaryo ay mga maliliit na mangingisda, magsasaka, vendors, and Arellano stall owners na nasalanta noong panahon ng bagyong ‘Egay’.
Kabuuang PHP 4,035,000.00 ang inilaang pondo ng tanggapan ng DSWD para sa mga benepisyaryo sa lungsod ng Dagupan na siyang pinangasiwaan naman ng City Social Welfare and Development Office.
Samantala, tulot-tuloy naman ang mga programa ng nasyonal na gobyerno ng mga ganitong klase ng programa para matugunan ang mga pangangailangan ng ilang maliliit na manggagawa na kailangan ng suporta matapos makaranas ng kalamidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨