𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗣𝗜𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗜𝗩𝗜𝗟 𝗘𝗡𝗚𝗜𝗡𝗘𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗖𝗘𝗡𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗘𝗫𝗔𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Aabot sa dalawang daan at tatlumput pitong aspiring Civil Engineers sa Ilocos Region ang nakatakdang sumailalim sa Civil Engineers Licensure Examination sa darating na November 18-19, 2024.

Isasagawa ang eksaminasyon sa Rosales North Central School, Brgy. Zone II, Rosales, Pangasinan. Inaatasang dadalhin ng mga examinees ang kanilang Notice of Admission, No. 2 pencil, black ballpen, long brown envelope, at long transparent plastic envelope.

Pinaalalahanan ang mga ito na idownload na ang Examination Program tatlo o limang araw bago ang eksaminasyon upang maiwasan ang anumang aberya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments