Umabot na sa 906 na pamilya o katumbas ng 2,086 na indibidwal sa La Union ang inilikas dahil sa hagupit ng Bagyong Pepito.
Ang mga inilikas ay mula sa Bangar, Balaoan, Aringay, Sto. Tomas, Bauang, Rosario, Bacnotan, Agoo, Caba, San Juan, Sudipen at Luna.
Ang mga bayan ay natukoy na coastal areas na tinutukan ng awtoridad na maaring makaranas ng mabilis na pagtaas ng lebel ng tubig sa kailugan o makaranas ng storm surge.
Nagpaalala ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga coastal areas na pansamantalang suspendihin ang pagligo at pangingisda dahil sa epekto ng bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments