Nabigyan ng progestin subdermal contraceptive implants at intrauterine device o IUD insertion ang nasa higit isang daang kababaihan sa Mangaldan kasabay ng pagdiriwang ng Family Health Month.
Layon ng mga nasabing contraceptives na mapigilan ang pagbubuntis ng isang babae na pinaniniwalaang 99% na mabisa hanggang tatlong taon. Tiniyak ng Pangasinan Provincial Population Cooperative and Livelihood Development Office (PPCLDO) na maayos at ligtas ang proseso ng isinagawang implant kasunod ng pagkakaroon muna ng screening sa mga maaaring lagyan nito.
Samantala, pinayuhan ang mga nakatanggap ng implant na iwasan ang paghawak dito at sakaling makaranas ng karamdaman tulad ng severe bleeding, sakit sa tiyan at iba ay agad na magtungo sa kanilang Municipal Health Office. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨