𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗙𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗠𝗜𝗧𝗜𝗚𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗢 𝗡𝗔

Nakompleto na ang flood mitigation structure sa Pangasinan na nagkakahalaga ng 182.6 million pesos na pinondohan mula sa 2024 National Budget.

Ayon kay Department of Public Works and Highways-Ilocos Region Information Officer Esperanza Tinaza, inaasahan na makatutulong ang naturang flood mitigation structure sa pagproprotekta sa mga kabahayan ng mga residente pati na rin ang mga sakahan partikular sa bahagi ng Barangay Kita-Kita sa bayan ng Balungao.

Isa rin umano ito sa maaaring makatulong upang maging ligtas ang mga residente sa banta ng pagbaha dahil nagiging isang catch basin rin ang nasabing barangay na nanggagaling sa mga bundok at ibang kalapit na lugar.

Inumpisahan ang konstruksyon nito noong February 26, 2024 at natapos ngayong June 30, 2024.|𝗶𝗳𝗺𝗻𝗲𝘄𝘀

Facebook Comments