Masayang nakatanggap ang mga Senior Citizens na benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation payout sa bayan ng Manaoag.
Nakatakdang ilaan ang nasabing tulong pinansyal para sa kanilang mga pangangailangan tulad na lamang ng mga kinakailangang bilhin na mga gamot lalo na para sa kanilang mga kondisyon lalo na sa kalusugan.
May kabuuang isang libong benepisyaryo ang nakatanggap ng nasabing payout na naisagawa sa pakikipag-unayan ni Congressman Christopher De Venecia, lokal na pamahalaan ng Manaoag at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Samantala, nagpapatuloy p pa rin ang ilang mga inisyatibo at serbisyo ng kongresista para sa mga residente sa ilalim ng ikaapat na distrito ng Pangasinan o mga bayan ng Mangaldan, San Jacinto, San Fabian, Manaoag at Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments