𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗡𝗜𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗧𝗔𝗪𝗜𝗗 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 (𝗞𝗔𝗟𝗜𝗡𝗜𝗦𝗔𝗡) 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗪𝗜𝗗𝗘 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗡-𝗨𝗣 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘

Nasa higit isang libo na mga benepisyaryo na nakikinabang ngayon sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng Asingan ang nakiisa sa isinagawang aktibidad ukol sa kalikasan o Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan (KALINISAN) Nationwide Clean-Up Drive.

Sama sama ang nasa isang libong 4Ps members sa pagtulong na makapaglinis ng kapaligiran sa kanilang bayan nitong sabado kasama ang ilan pang kawani ng lokal na pamahalaan ng Asingan.

Ang naturang aktibidad ay isang nationwide clean up drive na pinangungunahan ng ahensyang Department of Interior and Local Government at Office of the President kasama ang 4Ps.

Layon ng proyektong ito na hikayating ang lahat ng Pilipino sa buong Pilipinas na maging responsable sa paglilinis ng kapaligiran at bigyang kahalagahan ang kalikasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments