𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗢𝗡𝗔𝗡, 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗔𝗞𝗔𝗣

Napamahagian ng tulong pinansyal ang nasa higit isang libong residente sa bayan ng Binalonan mula sa sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) na inisyatibo ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Tinanggap ng kabuuang bilang na isang libo at tatlong daang (1, 300) mga benepisyaryo ang tig-sampung libong halaga ng financial aid.

Nauna nang inilunsad ang AKAP sa iba’t-ibang bayan sa Pangasinan noong buwan ng Mayo kung saan libong mga Pangasinense ang nakinabang sa nasabing tulong.

Samantala, layon ng naturang programa na matugunan ang pangangailangan partikular ang mga Pilipinong wage earners, o mga taong mahihirap, near poor, at nasa informal economy. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments