Sumailalim sa pagsasanay ang apat na raang mga Barangay Health Workers (BHWs) sa Ilocos Region bilang pagpapalakas sa sektor ng kalusugan at pagtataguyod sa pagiging epektibong Health Education and Promotion Officers o HEPOs sa kani-kanilang kinabibilangang mga komunidad.
Saklaw ng naturang pagsasanay ang pagtalakay sa nararapat na mga kaalamang dapat taglayin ng mga BHWs partikular sa usaping pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap sa mga nangangailangang residente ng serbisyong pangkalusugan na nakaayon sa Health Promotion Framework Strategy (HPFS) 2030.
Nakatakdang sumalang sa parehong mga pagsasanay ang iba pang BHWs sa susunod pang mga araw sa iba’t-ibang Public Health Units (PHUs) ng limang (5) DOH Hospitals kung saan target na maisanay ang nasa 1, 036 na mga BHWs ng rehiyon.
Layon ng naturang aktibidad na palakasin ang mga BHWs pagdating sa pagtugon sa mga isinasangguning problemang pangkalusugan mula sa mga residente at paigtingin pa ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga lokalidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨