Nasa higit labing anim na libong Dagupenos na ang nabebenipisyuhan ng programang Alagang Healthy Dagupeño ng lokal na pamahalaan.
Kabuuang 16,023 na mga benepisyaryo mula sa tatlumput isang barangay sa naturang lungsod ang nakinabang sa mga serbisyong hatid ng naturang programa.
Mula ang libong tala na ito noong January 17, 2024 hanggang March 6, 2024 kung saan ilan sa serbisyong inihatid sa kanila ay medical check-up, dental services, laboratory, pneumonia vaccine, at eye check-up.
Bahagi pa rin ito ng layunin ng lokal na pamahalaan ng Dagupan na mailapit sa mga residente ang libreng serbisyo bilang kanilang aksyon rin sa Sustainable Development Goal #3 ‘Good Health and Well-Being’ of the United Nations. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments