𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡𝗧𝗘, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗖𝗥𝗨𝗜𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗔𝗖𝗜𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚

Nasa mahigit limang daang aplikante ang naitalang lumahok sa ginanap na recruitment activity sa bayan ng Bayambang kamakailan.

Nasa labinlimang pribadong kompanya nang ang nakibahagi sa naturang aktibidad at nag-alok ng trabaho sa mga naghahangad na aplikante.

Nagsagawa rin ng recruitment activity ang Philippine Army sa naturang job fair.

Nasa naturang aktibidad din ang tanggapan ng Social Security System at nag-aalok ng iba’t-ibang serbisyo gaya sa requirements ng mga aplikanteng dumalo.

Ang job fair na ito ay isinagawa ng lokal na pamahalaan katuwang ang Pangasinan State University – Bayambang Campus at Public Employment and Services Office. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments