Nabayaran na ng Philippine Health Insurance Company (PhilHealth) Region 1 ang mahigit limang bilyong piso (P5,109,742,466.11) ng claims ng mga hospital at doktor ngayong taon.
Ayon sa datos ng tanggapan, nangunguna sa mga medical cases na kinukuhanan ng claims ng mga benepisyaryo o miyembro ay Pneumonia moderate risk na may 24,603 na may kabuuang bilang ng paid claims habang pumapangalawa naman ang Hypertensive Emergency urgency kung saan may 15,098 kabuuang bilang ng paid claims.
Sa kabilang banda, patuloy ang pagsulong ng tanggapin na maiparating sa publiko ang iba pang serbisyong kanilang hatid tulad ng Konsulta program kung saan may higit isang milyon (1,985,798) na ring nabenipisyuhan sa First Patient Encounter (FPE) as of July 2024.
Sa Pangasinan, mayroong pitumpu’t siyam (79) na PRO I Konsulta providers na maaaring puntahan o bisitahin ng mga nais mabenipisyuhan ng programa kung saan pitumput lima (75) ditt o ay sa government at apat (4) naman sa private.
Ang PH Konsulta ay isang pinalawak na benepisyo sa pangunahing pag-aalaga mula sa tanggapan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨