Wednesday, January 21, 2026

𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝗛𝗣 𝟯𝟲𝟬𝗞 𝗞𝗔𝗕𝗨𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗣𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪

Tinatayang PHP 367, 730 ang kabuuang halaga ng nasabat na ilegal na droga ng hanay ng kapulisan sa Pangasinan na kinaarestuhan ng labing -anim na indibidwal sa magkakasunod na operasyon na isinagawa mula May 12 hanggang May 14.

Sa loob ng tatlong araw, nakapagsagawa ng 12 anti-illegal drugs operations at nasa kabuuang 54.38grams ng hinihinalang shabu at 27.40 gramo ng marijuana ang nasakote ng awtoridad sa ilang bayan at lungsod.

Ang datos ay bahagi pa rin ng nagpapatuloy na kampanya kontra ilegal na droga na isinasagawa ng Pangasinan Police Provincial Office sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments