𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝟭𝗠 𝗡𝗔 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗚𝗔𝗥𝗜𝗟𝗬𝗢, 𝗡𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗥𝗢𝗖𝗘𝗥𝗬 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Nilooban ang isang grocery store sa Mangaldan kung saan Umabot sa mahigit isang milyong pisong halaga ng mga sigarilyo ang ninakaw.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napansin umano ng store manager na mayroong tumutulong tubig mula sa bubong.

Nang makita ang ginawang imbentaryo, napag-alamang nawawala ang nasa labinsiyam na kahon kahon ng sigarilyo.

Sa pag-inspeksyon ng awtoridad, nakita ang maraming butas at sira sa bubong at bakas ng paa ng mga kawatan.

Nakikipag-ugnayan na ang pulisya para sa paggulong ng imbestigasyon ng kaso at matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa pagnanakaw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments