๐—›๐—œ๐—š๐—œ๐—ง ๐—ฃ๐Ÿญ๐Ÿฌ๐—  ๐—•๐—ฅ๐—š๐—ฌ. ๐—”๐—–๐—–๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—ฅ๐—ข๐—”๐——, ๐—ก๐—”๐—œ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—ง๐—”. ๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ซ๐—˜๐——๐—˜๐—ฆ, ๐—–๐—”๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก

CAUAYAN CITY โ€“ Naipasakamay na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang natapos na barangay access road sa barangay Centro Uno, Sta. Praxedes, Cagayan.

Ito ay pinondohan sa ilalim ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) at lokal na pamahalaan kung saan ay nagkakahalaga ito ng mahigit P10M.

Kabilang din sa proyekto ang paggawa ng concrete box culvert at line canal sa gilid ng daan.


Ang seremonya ay pinangunahan ni DSWD FO2 Regional Director Lucia Suyu-Alan katuwang ang mga opisyales ng LGU Sta. Praxedes, barangay officials, at ilang kawani ng ahensya.

Samantala, malaki umanong ambag sa pag-unlad ng nasabing bayan ang access road dahil magsisilbi itong daan ng mga magsasaka para sa pag-transport ng kanilang mga produktong pang-agrikultura sa merkado.

Facebook Comments