
Cauayan City โ Nagbigay ang OceanaGold Philippines, Incorporated ng P12,320,000.00 tulong pang edukasyon para sa mga estudyante ng Nueva Vizcaya at Quirino.
Ang pondong ito ay ginamit upang mapabuti ang pasilidad at kagamitan ng mga mag-aaral sa mga paaralan sa nasabing mga lalawigan.
Kabilang sa tulong ang P5,350,000.00 halaga ng scientific equipment na ipinamigay sa 22 Senior High Schools ng Science, Technology, Engineering, at Mathematics (STEM) program.
Bukod dito, itinayo at ipinagkaloob din ang dalawang-palapag na Multi-Purpose Building sa Eastern Nueva Vizcaya National High School sa Didipio, Kasibu na nagkakahalaga ng P6,970,000.00 na gusali na magsisilbing pasilidad para sa Humanities and Social Sciences (HUMSS) program ng paaralan.
Samantala, naglaan din ng pondo ang Barangay Didipio mula sa kanilang 2023 at 2024 Social Development Management Program upang matulungan sa pagpapatayo ng naturang proyekto.