Nasa P35 million ang kabuuang halaga ng ayuda na naibahagi sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) Workers sa Ilocos Region kasabay ng selebrasyon ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tinanggap ito ng 7,345 na benepisyaryo mula sa iba’t-ibang panig ng rehiyon na sumailalim sa sampung araw na pagtatrabaho na may karampatang sweldo o cash-for-work assistance.
Maliban sa mga benepisyaryo ng TUPAD, nasa, 108 indibidwal ang nabenepisyuhan sa dalawang proyekto sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program at nabahagian ng kabuuang P2. 2 million.
Sa ilalim ng programang DILP, binibigyan ng panimulang puhunan at kagamitan ang mga benepisyaryo upang makapaghanapbuhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments