Nasabat ng pulisya sa Ilocos Region ang aabot sa P4,457,266.40 na halaga ng ilegal na droga noong Oktubre sa pinaigting na anti-illegal drug campaign sa rehiyon.
Tumutumbas ito sa 3,600 marijuana plants, 129.88 grams ng dried marijuana leaves at 547.31 grams ng shabu na nakumpiska mula sa 110 na naarestong indibidwal buong rehiyon.
Samantala, naaresto rin ang 320 wanted person kung saan 42 dito ay tinutukoy bilang most wanted at isa dito ay may patong sa ulo na P2, 700,000 sa ilalim ng memorandum circular na inilabas ng DILG.
Kaugnay nito, patuloy na pinaigting ng tanggapan ang kampanya kontra ilegal na aktibidad upang masawata ang kriminalidad sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments