𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝟱𝟬𝟬-𝗞 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗦𝗜𝗚𝗔𝗥𝗜𝗟𝗬𝗢, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗖𝗛𝗘𝗖𝗞𝗣𝗢𝗜𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬



Cauayan City – Hindi nakalampas sa kamay ng mga awtoridad ang tangkang pagpuslit ng isang lalaki ng ilegal na sigarilyo sa lungsod ng Cauayan matapos na maharang sa isang anti-criminality checkpoint sa Brgy. Alinam, Cauayan City noong, ika-9 ng Enero 2026.

Naaresto ang isang suspek na kinilalang si “Rollah”, 33-anyos, tubong Santiago City matapos maharang sa checkpoint ng kapulisan ang sakay nitong van. Nadiskubre ang mga kahon na naglalaman ng hinihinalang mga smuggled na sigarilyo.

Nang subukang hingan ng kaukulang dokumento, bigong magpakita ng kahit akong patunay na lehitimo ang kanyang mga dala kaya naman siya ay inaresto.

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang 25 kahon ng “Marshal” na sigarilyo na naglalaman ng kabuuang 1,250 reams na nagkakahalaga ng P562,000.

Matapos ang operasyon, dinala ang suspek sa himpilan ng Cauayan City Police Station kasama ang mga nasamsam na ebidensya para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Facebook Comments