Puspusan na ang isinasagawang paghahanda ng hanay ng kapulisan sa Ilocos Region kaugnay sa seguridad ng publiko sa pagsapit ng Undas.
Ayon sa Police Regional Office 1, aabot sa 3,461 ang ipapakalat na pulisya sa iba’t-ibang lugar sa rehiyon sa November 1-2. 2,039 dito ay ippuwesto sa 393 sementeryo at mga memorial parks sa rehiyon samantalang 259 ang maglalagi sa mga tourist spots, mga kalsada, at iba pang lugar na pwedeng dayuhin ng mga turista.
Nasa 1,711 ang advocacy groups ang inaasahang tutulong sa nasabing araw para sa maayos at mapayapang Undas.
Samantala, paalala ng pulisya sa publiko na maging Alerto at ireport ang kahina hinalang aktibidad sa kanilang lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments