𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟭𝗞 𝗕𝗔𝗚𝗦 𝗡𝗔 𝗨𝗥𝗜 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗛𝗜, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Pormal na inumpisahan ang pamamahagi ng sako sakong mga uri ng binhi para sa mga magsasaka sa bayan ng Mangaldan na hatid ng Department of Agriculture Regional Field Office 1.

Nasa isang libo apat na raan at pitumpu’t (1, 470) ang kabuuang bilang ng bags ng Hybrid Rice at Yellow Corn Seeds, maging ang RCEF certified seeds at Urea ang naipamahagi sa mga magsasaka mula sa iba’t-ibang barangay sa nasabing bayan.

Saklaw ng nasabing distribusyon ang paghikayat sa mga magsasaka na mag-apply ng insurance upang maprotektahan ang mga ito sakaling maapektuhan sila at at kanilang pananim ng hindi inaasahang mga kalamidad.

Samantala, patuloy ang pagtugon ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan sa mga kinakaharap ng suliranin ng mga magsasaka ng bayan maging sa usaping pang-agrikultura sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng LGU sa DA Region 1 upang mapakinabangan ang mga programa ng ahensya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments