Tinatayang 1,025.30 kilograms ng plastic materials ang nakolekta sa isinagawang coastal clean-up sa dalampasigan ng Bauang, La Union.
Nagsama-sama ang nasa 250 kawani at volunteers mula sa ilang government agencies, LGUs, academic institutions at non-government organizations sa lalawigan.
Ang problema sa basura ay isa sa sinisikap na solusyunan ng lalawigan sa pamamagitan ng coastal clean-up at clean-up drives sa bawat bayan at pagbabawal sa paggamit ng single-use at disposable plastics sa ilalim ng Provincial Ordinance No. 342.
Hinihikayat naman ng lokal na pamahalaan ang pakikiisa ng publiko sa maayos na pagpapatupad ng solid waste management programs sa Bauang.
Samantala, nananawagan ang isang non-government organization sa La Union na maging responsable sa disposal ng sariling basura ang mga residente maging sa mga turista na dumarayo sa probinsiya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨