𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟭𝟭𝟳% 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗙𝗜𝗥𝗘𝗪𝗢𝗥𝗞𝗦 𝗥𝗘𝗟𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗜𝗡𝗝𝗨𝗥𝗜𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛-𝗖𝗛𝗗𝟭

Sa pagpapatuloy ng surveillance ng Department of Health Center for Health Development Ilocos Region (DOH-CHD1) ukol sa mga biktima ng fireworks-related injuries (FWRI) sa lahat ng hospital sa rehiyon ay nakitaan na ito pagtaas.

Sa nakuhang datos ng IFM Dagupan sa DOH-CHD1, pumalo na sa kabuuang 117.3% na pagtaas o katumbas ng nasa 213 na indibidwal ang biktima ng FWRI simula noong ika-21 ng Disyembre hanggang ika-3 ng Enero 2024.

Nangunguna sa rehiyon ang lalawigan ng Pangasinan sa listahan na may pinakamaraming kaso na pumalo sa 143 na katao, sinusundan ito ng La Union na may 29, 23 sa Ilocos Norte at ang Ilocos Sur ay may 18 kaso lamang.

Iba’t ibang klase ng mga paputok ang ginamit at nagamit ng mga biktima gaya na lamang ng kwitis, bawang, boga, whistle bomb, lucis, fountains at marami pang iba.

Ikinalukungkot ng ahensya sa kabila ng isinagawang malawakang kampanya sa Iwas Paputok ay naitala pa rin ang nasabing bilang.

Samantala, nanatili pa rin ang mga hospital sa rehiyon sa ilalim ng code white alert status para sa mga posibleng maging biktima pa ng paputok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments