𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟭𝟰𝟭𝗠 𝗡𝗔 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗞𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝟭 𝗡𝗢𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗢𝗦𝗧𝗢

Nasa higit 141 million pesos ng iligal na droga ang nasabat ng awtoridad sa Ilocos Region noong buwan ng Agosto.

Ayon sa Police Regional Office (PRO-1), nasa 20,669 kilo ng shabu at nasa higit 10,000 kilo ng marijuana plants at seedlings ang nasamsam mula sa pinagsamang operasyon ng mga awtoridad noong Agosto.

Isa sa pinakamalaking nakumpiska ng mga ito ay ang 16.5 kilogram ng shabu na nakalagay sa isang container at natagpuan ng mga mangingisda na palutang lutang sa karagatan ng Patar, Bolinao, Pangasinan noong August 18.

Samantala, umabot sa 121 na mga suspek ang nahuli ng awtoridad mula sa mga isinagawang anti-drug operations sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments