𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟮𝗞 𝗡𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔, 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗔𝗜𝗖𝗦

Aabot sa higit dalawang libong residente ng Urdaneta City ang benepisyaryo ikatlong batch ng ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Kabuuang 2,319 na kabilang sa Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) at Rural Improvement Club (RIC) mula sa lungsod ang nabigyan ng tulong pinansyal.

Bawat isa ay tumanggap ng tig-isang libong piso na pandagdag sa kanilang gastusin.

Ang AICS ay programa ng Department of Social Welfare and Development kung saan may layon na makapagbigay ng tulong sa iba’t-ibang aspeto at pangangailangan ng tao tulad ng transportasyon, edukasyon, pagkain, tulong pinansyal at iba pang support services. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments