Nasa higit 200 na mga kabataan sa lungsod ng dagupan na kabilang sa government internship program o gip ng department of labor and employment (dole) ang sumailalim sa oryentasyon.
Ang naturang oryentasyon ay layuning maihanda ang mga ito sa kanilang responsibilidad bilang isang kawani ng pamahalaan. Ang gip ay programa para sa mga kabataan na naglalayong mabigyan ng praktikal na karanasan sa pagtatrabaho sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.
Anim na buwan nagtatrabaho ang mga ito at tatanggap ng stipend o sweldo ang bilang ng mga government interns na kinukuha sa naturang programa ay nakadepende sa pondong ilalaan sa ahensya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments