𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟮𝟬𝟬 𝗦𝗞 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟𝗦 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗕𝗜𝗞𝗧𝗜𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗣𝗢𝗜𝗦𝗢𝗡𝗜𝗡𝗚, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗨𝗪𝗜 𝗡𝗔

Nakauwi na at nasa maayos na kalagayan ang mahigit 200 SK officials ng San Carlos City na nabiktima ng food poisoning sa 3-Star Rating Hotel sa Subic Bay, Olongapo City.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng LGU Olongapo, Subic Bay Metropolitan Authority at ng San Carlos City LGU tungkol sa insidenteng naganap sa Gender and Development Seminar.

Hiniling ni San Carlos City Mayor Julier Resuello na pansamantala muna sanang isara ang kitchen at hotel nang sa gayon ay maiging imbestigahan ang lugar upang hindi na muli maulit pa ang insidente.

Ipinadala na rin sa laboratoryo para sa microbe identification ang samples ng mga inihandang pagkain, water sources, at iba pang inihain sa hotel upang matukoy ang tunay na sanhi ng pagkakasakit ng mga sk officials habang tinitignan na rin ang mga legal measures sa oras na matapos ang imbestigasyon.

Pansamantala rin munang kinansela ang pagdalo sa naturang seminar ng 2nd batch ng mga SK officials bilang pagtitiyak sa kanilang kaligtasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments