Nasa higit dalawang libo o higit sa 2,500 na mga kapulisan ang hinanap at ipakakalat ng Pangasinan PNP para sa pagbibigay seguridad at kaligtasan sa lahat ng mga lungsod at bayan sa probinsya sa darating na long weekend.
Ayon kay Pangansinan PNP OIC PCOL Jeff Fanged, pinaghandaan na ng kanilang hanay simula pa noong mga nakaraang buwan ang kanilang magiging pagtutok sa long weekend.
Nakahanda na umano ang mga nakalatag na aktibidad at preparasyon ng naturang hanay para sa pagtutok sa long week at sa selebrasyon ng Semana Santa.
Lahat din umano ng mga identified tourist destinations sa probinsya ay may itatalagang mga kapulisan o additional manpower para sa kaligtasan ng mga turista at bibisita.
Samantala, magmomonitor rin ang hanay ng kapulisan sa maaaring traffic na maranasan sa kasagsagan ng Semana Santa at sisikaping maaksyunan at makapagbigay ng karampatang solusyon para maiwasan ito at makauwi ng maayos at maaga ang mga byahero. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨