𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟯𝟱𝗞 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘Ñ𝗢𝗦, 𝗡𝗔𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗔𝗚𝗡𝗢𝗦𝗧𝗜𝗖𝗦 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘𝗦

Umabot na sa higit tatlumpu’t limang libong (35, 000) mga residente ng Dagupan City ang nakinabang sa libreng laboratory diagnostic services sa ilalim ng programang Alagang Healthy Dagupeño.

Inihayag ito ng Alkalde ng lungsod sa kanyang katatapos na State of the City Address o SOCA. Sa kasalukuyan libre ang Ang X ray, ECG at CT Scan para sa mga Dagupeñong may karamdaman.

Kinakailangan lamang dalhin ang request form mula sa doctor.

Matatandaan na nagsimulang mapakinabangan ng mga indigent Dagupenos ang serbisyo noong 2022. Samantala, nagbabahay bahay ang kawani ng City Health Office upang mabigyan ng serbisyo ang mga hindi naabot ng healthcare services at facilities. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments