Nasa 353 bata edad isa hanggang apat na taong gulang ang naitalang rehistrado at naisyuhan ng PhilSys number sa ilalim ng Rehistro Bulilit ng Philippine Statistics Authority Region 1.
Ayon kay PSA Pangasinan PhilSys Focal Person Christopher Flores ang naturang kampanya ay magbibigay daan sa pagkakaroon ng national ID ng mga bata na pinagtibay sa ilalim ng RA 11055 o ang Philippine Identificatiom System Act. Nakasaad sa naturang batas na bawat mamamayang Pilipino ay kinakailangang magkaroon ng national ID anoman ang edad.
Pinaalalahanan naman ni Flores ang mga Pangasinense na dalhin ang mga kaukulang dokumento ng bata upang maiparehistro. Bukas din ang tanggapan sa pagpaparehistro ng iba pang indibidwal sa National ID System.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments