Ibinahagi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa publiko na nakumpleto ang milyon-milyong proyekto nitong mga kalsada bayan ng Sual, Pangasinan.
Matatagpuan ang mga proyektong ito ng ahensya sa Barangay Caoayan sa kahabaan ng Pangasinan-Zambales Road sa bayan kung saan ito ay may dalawang linyang kalsada na nagkakahalaga ng kabuuang ₱39.2-Milyon na may habang 2.1 kilometro
Layunin ng karagdagang kalsada na ito ay upang mapabuti ang pagbiyahe ng mga motorista dadaan dito at upang magkaroon ng dekalidad na kalsada.
Layunin pa nito ay upang magkaroon ng maayos na daanan ang mga nagbebenta ng iba’t-ibang mga produkto.
Matatandaang inumpisahan ang proyekto ito ng ahensya noong nakaraang Pebrero 2023 kung saan halos isang taon ang naging konstruksyon nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨