Nasa 566 healthcare workers sa ilalim ng National Health Workforce Support System ang nanumpa sa panunungkulan sa Region 1.
Binubuo ang naturang bilang ng 311 nurses, 85 midwives, 45 midwives na balik serbisyo, 29 medical technologists, 25 doktor sa mga baryo, 35 doktor para sa post-residency deployment, 17 pharmacists, 12 dentists, 3 physical therapists, 2 nutritionists-dietician at isang espesyalista.
Pinangunahan ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire at Ilocos Assistant Regional Director Rodolfo Albornoz ang oath taking ceremony.
Ang mga naturang healthcare workers ay hakbang upang matanto sa ngalan ng public service ang Universal Health Care sa pamamagitan ng 8-point action agenda ng Department of Health. | 𝙞𝙛𝙢 𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments