𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟱𝟬𝟬 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗟𝗔𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗣 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗩𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗘𝗦𝗗𝗔

Matagumpay na natanggap ng daan-daang mga scholars sa lalawigan ng La Union ang iba’t ibang mga tulong mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ilan lamang sa tinanggap ng kabuuang 521 na iskolar sa lalawigan training support funds at mga starter toolkits sa pamamagitan ng Lingap Serbisyo Caravan ng ahensya na ginanap sa San Fernando City.

Tinanggap ng nasa 371 na iskolar ang ₱160 kada araw na allowance sa loob ng ilang linggo at nasa 150 na iskolar ang nakinabang Special Training for Employment Program (STEP), isang community-based na espesyalidad na pagsasanay na naglalayong itaguyod ang pagiging produktibo at trabaho ng mga benepisyaryo.

Layunin nito ay magbigay ng mga kasanayan at pagkakataon sa pagsasanay para sa mga benepisyaryo sa mga barangay o komunidad upang sila ay magkaroon ng trabaho at maging produktibo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments