Nakapreposisyon na sa iba’t-ibang warehouse ng Department of Social Welfare and Development (DSWD FO1) ang mahigit pitumpong libong mga Family Food Packs at No Food Items sakaling magkaroon ng argumentasyon ang mga lokal na pamahalaan sa Region 1 para sa mga maapektuhan ng bagyo.
Sa tala ng ahensya, 1, 590, 205 FPPs at 14, 354 NFIs ang nakastandby sa warehouses sa rehiyon.
Mayroon ding 12, 144 na available Bottled Drinking Water 6L habang nasa P3,000, 000 din ang standby funds ng ahensya.
Nagpapatuloy din sa ngayon ang pamamahagi ng tulong ng tanggapan sa mga naapektuhang residente sa Ilocos Region ng nagdaang Bagyong Marce. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments