𝗛𝗜𝗡𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗬𝗨𝗠𝗘𝗥 𝗔𝗧 𝗧𝗜𝗡𝗗𝗘𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬

Nag-ikot si Agri Partylist Representative Congressman Wilbert Lee sa mga pangunahing pamilihan sa Dagupan City upang marinig ang hinaing mga konsyumer at tindera sa lungsod bunsod ng pagtaas ng ilang pangunahing bilihin lalo na sa sektor ng agrikultura.

Inaalam ng kongresista ang maaring dahilan ng hindi pagkakapantay-pantay ng presyo ng produktong agrikultura sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Itinaas din opisyal ang opinyon nito sa kakulangan ng post-harvest facilities sa bansa na nagiging dahilan kaya napipilitan ang ilang magsasaka ibenta sa murang halaga ang kanilang mga ani.

Tiniyak naman ni Lee na naipaparating sa Kamara ang nakakalap nitong suhestiyon sa mga nabibisitang lugar upang masolusyunan at mabigyan ng kaukulang tulong ang mga magsasaka.

Kaugnay nito, nakatakdang isagawa sa Pangasinan ngayong taon ang isang programang agri-food terminal na magtatampok ng local products sa mas pinamurang halaga.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments