Inihayag ng pamunuan ng National Irrigation Administration Region 1 na nagpapatuloy ang mga hakbangin ng ahensya sa pagtugon sa problemang patubig ng mga magsasaka sa rehiyon.
Sa isang panayam, sinabi ni Supervising Institutional Development Officer ng NIA Region 1, mahalaga ang kooperasyon ng tanggapan ng gobyerno at ng mga grupo o samahan na may kinalaman sa pagpapatubig sa resulta at pagsulong sa sektor ng agrikultura sa rehiyon.
Isa sa isinasagawa ng tanggapan ay ang System Management Committee Conference sa kada cropping season kung saan nagsasagawa ng pulong ang mga Irrigators Association, pamunuan ng NIA at ilan pang tanggapan na may kinalaman sa pagpapatubig.
Sa pamamagitan nito ay malalaman at matutugunan ang problema sa patubig ng mga magsasaka sa rehiyon lalo na tuwing panahon ng tag-init.
Bukod dito, sa naturang conference ay inilalatag na rin ang mga hakbang upang masolusyunan ang mga hinaing ng mga magsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨