
Cauayan City – Ipinasara ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang isang hindi lisensyadong care facility na pagmamay-ari ng isang Vlogger sa Barangay Landayan sa San Pedro, Laguna.
Kinilala ang vlogger na si Benjie Perillo, o mas kilala bilang BenchTV.
Ayon sa DSWD, matapos ang masusing inspeksyon tinatayang nasa 12 na indibidwal ang na-rescue ng mga awtoridad matapos ang isinagawang operasyon kabilang na ang dalawang menor de edad na nagmula sa nasabing pasilidad.
Samantala, nagsagawa naman ng medical assessment ang City Health Office ng San Pedro upang malaman ang estado ng kanilang kalusugan.
Dagdag pa rito, nasa kustodiya na ng ahensya ang dalawang menor de edad upang isagawa ang tamang pangangalaga.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










