𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗜𝗡𝗘𝗦𝗘 𝗩𝗘𝗦𝗦𝗘𝗟 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗥𝗔𝗠𝗗𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗕𝗔𝗬𝗜𝗡 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗙𝗔𝗡𝗧𝗔

Nagparamdam diumano kamakailan ayon sa lokal na pamahalaan ng Infanta sa lalawigan ng Pangasinan ang hinihinalang Chinese vessel sa layong 20 nautical miles, mula sa pampang.

Nai-spotan umano ang hinihinalang vessel na nagdala ng takot sa mga mangingisda lalo na sa mga residente sa nasabing bayan.

Ayon kay Marites Etac, Presidente ng Cato Fisherfolk Association, sinusuri nila ang mga posibleng maharap ng mga mangingisda sa radar ng hinihinalang Chinese vessel.

Samantala, patuloy pa ring nakabantay ang mga awtoridad para masigurado ang kaligtasan ng komunidad ng Infanta at ang mga residenteng nasasakupan nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments