Aprubado na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hirit na taas presyo sa Suggested Retail Price (SRP) ng mga product manufacturers sa ilang Basic Necessities and Prime Commodities (BNPC).
Ilan lamang sa magkakaroon ng price adjustments ay ang mga produkto tulad ng sardinas, powdered milk at toilet soaps.
Matatandaan na nasa halos animnapu na mga pangunahing bilihin ay hinilingan pa ng taas presyo bagamat pinag-aaralan pa ito ng ahensya.
Samantala, nananatili namang mataas ang presyuhan ng pangunahing bilihin ng bigas sa mga pampublikong pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan, kung saan naglalaro ang regular milled rice sa ₱53 at mahigit sa kada kilo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments