𝗛𝗜𝗦𝗧𝗢𝗥𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗙𝗜𝗟𝗠𝗦, 𝗦𝗨𝗥𝗜𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗕𝗨𝗧𝗜 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗣𝗘𝗦𝗢𝗥

Inihayag ng isang propesor na kailangan umanong suriing maigi ang mga historical films o documentary films upang hindi malinlang sa tunay na salaysay ng kasaysayan.

Ayon kay Professor Xiao Chua, sa panayam nito sa iFM Dagupan, mainam na salain ang mga napapanood na historical films dahil baka hindi nito tunay na sinasalamin ang tunay na pangyayari ng buhay.

Ayon kay Chua, kailangan pa rin umano na mas maging matimbang ang mga resulta ng naging pananaliksik ng mga naunang historyador.

Maliban dito kinilala rin ni Chua ang maging kontribusyon ng mga Pangasinenseng bayani na sina General Macabulos, Don Daniel Maramba at Juan Palaris na nagsilbing bayani.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments