𝗛𝗢𝗧 𝗠𝗘𝗔𝗟𝗦 𝗢𝗡 𝗪𝗛𝗘𝗘𝗟𝗦, 𝗨𝗠𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng “Hot Meals on Wheels” o mobile kitchen ang Provincial Government of Cagayan bilang tugon sa pangangailangan sa pagkain ng mga evacuees sa Annafunban Integrated School at Barangay Balzain, Tuguegarao City.

Ayon sa ulat, 337 na indibidwal ang nabigyan ng mainit na pagkain sa Annafunan Integrated School habang 200 namna sa Balzain.

Noong taong 2021 ay unang isinagawa ang naturang proyekto sa inisyatiba ni Governor Manuel Mamba sa ilalim ng disaster relief operations.


Naglalayon ang proyekto na makapaghatid ng mainit at masustansyang pagkain sa mga pamilya o indibidwal na apektado ng sakuna o kalamidad.

Facebook Comments