Tinatayang 19,000 na indibidwal ang bumisita sa pitong pampubliko at pribadong sementeryo sa Dagupan City ngayong Undas 2024.
Sa eksklusibong panayam ng IFM News Dagupan kay DCPS Operations Officer PLt. Jesus Manaois, maayos ang naging sistema sa pagbisita ng publiko maging ang paghahanda ng kapulisan sa kabila ng inaasahang pagdagsa noong long weekend.
Inilahad din ng opisyal na may mangilan-ilan umano ang nagdala ng mga ipinagbabawal sa loob ng sementeryo tulad ng alak at patalim ngunit sumunod naman nang sitahin sila.
Sa kabila nito, maituturing umanong matiwasay at mapayapa ang Undas ngayong taon sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments