Nananawagan ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City sa lahat ng establisyemento at negosyo sa lungsod kaugnay ng kagustuhan na maabot ang 100℅ tax collection.
Ilan sa mga insidente na nais pagtuunan ng alkalde ng lungsod lalo na at napapaulat ang mga delinquent taxpayers, walang permit sa pagnenegosyo at mga hindi nagbabayad ng buwis.
Isa-isang umanong iniikot ng mga tax mappers ang bawat establisyemento upang striktong maipatupad ang patas na koleksyon ng buwis.
Ayon sa alkalde, kasalukuyan nang inihanda ni City Legal Officer Atty. Aurora Valle ang karampatang hakbang ukol dito. Bibigyan umano ng palugit ang mga negosyo na makapag-comply bago maglabas ng ‘non-compliance’ at maipasara ang lumalabag sa polisiya.
Binigyang-diin ng pamunuan ng Pamahalaang Panglungsod na nangangahulugan ng mas maraming proyekto at programa sa Dagupan City ang tamang pagbabayad ng buwis ng mga negosyante. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨