Pormal nang sinimulan ang taunang selebrasyon ng Ansakket Festival sa bayan ng Aguilar, tampok ang mga mamamayan, magsasaka, at ang produktong ansakket na sagana sa bayan.
Kabilang dito ang kakaibang pakulo sa pagluluto ng malagkit o mga kakaibang recipe tulad ng sweet and spicy pininat , bitso bitso with malunggay at sweet and spicy latik. Bukod dito ay hindi mawawala ang iba pang tanyag na recipe ng malagkit na biko, suman, turon malagkit at ang espesyal na deremen na kadalasan patok tuwing Undas ngunit para sa lahat ng season sa Aguilar dahil sa mataas na produksyon nito.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Aguilar, naiiba ang malagkit o ansakket na galing sa kanilang bayan dahil sa matalik na relasyong simbolo ng pagmamahalan na ipinamalas ng mga mamamayan maging sa kanilang pagluluto. Katumbas din umano ng bigas ang malagkit kung kaya mainam din ito sa kalusugan.
Kaugnay nito, Isang programa na para sa mga magsasaka sa bayan ang pagpapamahagi ng libreng binhi lalo na at tumataas ang presyo nito na siyang suliranin ng ilang magsasaka.
Layunin ng Ansakket Festival na ipinagmamalaki ang produktong ansakket o malagkit at ang iba’t-ibang recipe nito. Nais din bigyang pagkilala sa selebrasyon ang mga magsasaka sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨