Ibinahagi sa mga magsasaka sa Alaminos City ang iba pang pamamaraan upang sila ay maiangat pa at mapagaan ang kanilang pamumuhay sa araw-araw.
Sumailalim sa sa dalawang araw na training ang mga magsasakang benepisyaryo ng Agrarian Reform Barangay (ARB).
Ang naturang pagsasanay ay may layon makapagbigay ng iba pang oportunidad sa mga magsasaka para mapaunlad at mapalago pa ang kanilang produktibidad ng mga sakahan.
Makakatulong rin ito para masuportahan ang kanilang kabuhayan gamit ang paglikha ng enterprise-based crop nurseries katuwang ang greenhouse facility ng lokal na pamahalaan.
Pinangunahan naman ng City Agriculture Office katuwang ang Department of Agrarian Reform ang naturang pagsasanay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments