Inilunsad sa bayan ng Lingayen ang iba’t-ibang programang pangkalusugan alinsunod sa pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong taon.
Nakalatag na ang mga aktibidad tulad ng PANGMasa Zumba para ed Amin Competition, Nutrition Lecture for Senior Citizens, Hypertensive Adults, Youth Leadership, at PWDs maging ang Farmer’s Market Kadiwa.
Layunin ng lokal na pamahalaan na mahikayat ang publiko na pahalagahan at pangalagaan ang kalusugan sa pamamagitan ng mga naturang aktibidad.
Bukod dito, ibinahagi rin ni Municipal Nutrition Action Officer Maria Clara Sison ang mga matagumpay na programang pangkalusugan sa Lingayen tulad ng Operation Timbang, Nutrition Assessment at Community Organization.
Dagdag niya, bukod sa malnutrisyon na labis tinututukan ay dapat din umano tignan ang kahirapan bilang na pinagmumulan ng problema sa kalusugan.
Kaugnay nito, ipinahayag ng lokal na pamahalaan na ang mga inilatag na aktibidad at programang pangkalusugan sa Lingayen ay naaayon sa Philippine Plan of Action for Nutrition 2023-2028 na pinangungunahan ng National Nutrition Council. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨